Archive for April, 2008

Summer Piece #20

Tuesday, April 15th, 2008

Minsan di natin namamalayan kung kelan sya dadaan,

Sa tuwing titingin tayo sa bintana, hindi natin siya maaninag;

Tila nagkukubli sa tindi ng sikat mula sa kalangitan,

Ngayo’y nagtatanong, hanggang kailan ka ba iilag?

Maka-ilang beses na ba akong lumabas ng pinto,

Makadungaw lang sa labas para hanapin ka…

Matagal pa ba akong magmumukmok dito sa kwarto,

Upang masilayan ka’t makapiling na…

Kailan mo iguguhit ang ngiti sa aking mga labi?

Kailan mo dadalhin ang lamig sa aking isipan?

Sunduin mo na ako’t nang saya’y mamutawi,

Sa puso kong kanina pang bilad dito sa arawan…

Bakit ba ang tagal mo namang dumaan sa aming kalsada,

Mamang sorbetero, naghihintay na ang aking barya…